Huwebes, Marso 1, 2018

Tipo mong Babae

Ni:duguang_makata
Alam ko nmng hindi ako yung tipo mong babae
Yung babae na kung saan
maganda
makinis
maputi
Payat
matalino
Sikat
Na halos buong mundo kilala
Yung tipo mong babae
Na araw araw nalang na nakakilay
Na kolerete sa mukay hindi basta basta nauubos
Yung tipo mong babae
Na tipo din ng ibang lalaki
Yung tipo mong babae
Na sa sobrang ganda ng tuhod
kulang na lang mag panty short
Sa sobrang igsi lagi ng suot
Yung tipo mong babae
Pero iba ang tipong lalaki
Yung tipo mong babae
Na magaling sa kahit anong akademik
Yung tipo mong babae
Na maganda ang hubog ng katawan
yung tipo mong babae
na talagang maipagmamalaki
yung tipo mong babae
na magaling magluto
yung tipo mong babae
na halos lahat na lang
masasabi mong nasa kanya na
yung tipo mong babae na
pede ng ilaban na pang ms.universe
yung tipo mong babae na
hinding hindi mo hahayaang magkaroon ng luha sa kaniyang mga mata
Dahil mahal mo siya
yung tipo mong babae na
sulit na sulit ang paghihirap mo
makatanggap lang ng matamis na Oo
Oo
alam ko
hindi ako ang tipo mong babae
dahil ako lang nmn
ang tipo ng babae
na minamahal ka
at mahal na mahal ka
ako lang namn ang tipo ng babae
na may pakialam sayo
kahit wala lang nmn ako sa buhay mo
ako lang nmn ang tipo ng babae
na ikaw ay ipagmmamlaki
ako lang din ang tipo nang babae
na handang maghintay
At hanggang ngayuy patuloy na naghihintay
kahit alam ko namang hindi ako ang iyong inaantay
ako ang tipo ng babae
na handang masaktan
wag ka lang makitang nagdaramdam
dahilan ng iniwan ka niya
dahil may mahal siyang iba
Ako lang namn ang tipo ng babae
na handang maging unan, kumot o kung ano pa man sa tuwing ang mga mata moy umuulan
at ang puso moy nahihirapan
Ako lang nmn ang tipo ng babae
Na masaya na pag masaya ka
Napapangiti pag nakangiti ka
at napapahagalpak na lang sa mga jokes mong
Waley nmn
At lubos na nasasaktan kapag nasasaktan ka
Kung bakit ba nmn kase hindi ako ang tipo mong babae

Lunes, Abril 24, 2017

Sana ng Buhay Ko

Sana ng Buhay Ko
by:pagada07
`
Andito na nmn ako
sa isang tabi
nagmumukmok,
natutulala,
hindi malaman kung anong gagawin,
nahihirapan,
nahihirapan kung ano ang iisipin,
dahil sa tuwing magiisip ako,
ikaw ang lumalabas
at hindi ang kailangan ko,
ay mali,
ikaw nga pala ang kailangan ko,
pero bakit,
bakit ang hirap kalimutan ng isang tulad mo
ang isang tulad mo
na kahit kailan
ay hindi nmn ako
magagawang isipin
man lang kahit isang saglit,
bakit parati na lang dapat
masaktan ang puso kong
nagtatapat nmn sayo
bakit ang hirap,
bakit ang sakit,
bakit ang sakit sa dibdib
na halos hindi na makahinga
sa sobrang sakit?

umaasang, sana
sana mapansin mo rin ako
kahit panandalian lang
kahit isang araw lang
kahit konting minuto lang
un lang,
un lang nmn ang sana ko,
na sanay ibigay mo
na sanay matanggap ko sa araw ng kaarawan ko,
pero ung sana na yun
ay kailan kaya matatanggap,
nahihirapan nako,
nawawalan na ng pagasa,
pag-asang sanay makita mo rin ako
pag-asang sanay ako na lang ang mahalin mo
pag-asang sana dumating ang araw na makamit ko ang mga sana ng buhay ko

natatawa ako
dahil sabi ko
kalilimutan na kita
dahil ayoko na
ayoko ng masaktan ng dahil mo
ayoko ng umasa
pero nung nakita ko ang mga ngiti mo na singtamis ng paborito kong tyokolate
nabihag mo na nmn ako
nabihag mo na nmn ang puso ko na
nagsasabing ayoko ko na
itigil ko na
dahil maskit na
masakit ang masaktan ng paulit-ulit kahit alam kong wala nmng dahilan para masaktan

nakakainis,
nakakaiyak,
nakakagigil,
dahil sa bawat titingin ako sa paligid ko
ikaw ang nasusulyapan ng mga mata ko
ikaw ang parating siyang nakikita
kahit hindi namn ikaw ang dapat makita
hindi malaman ang dahilan
kundi ang mga salitang
sana ako na lang
sana ako na lang ang makita mo
sana ako na lang ang ipanalangin mo
sana ako na lang mahalin mo
sana...
sana maging tayo
pero alam kong hanggang sana na lang tlaga
hanggang sana na lang ng buhay ko......