Sana ng Buhay Ko
by:pagada07
`
Andito na nmn ako
sa isang tabi
nagmumukmok,
natutulala,
hindi malaman kung anong gagawin,
nahihirapan,
nahihirapan kung ano ang iisipin,
dahil sa tuwing magiisip ako,
ikaw ang lumalabas
at hindi ang kailangan ko,
ay mali,
ikaw nga pala ang kailangan ko,
pero bakit,
bakit ang hirap kalimutan ng isang tulad mo
ang isang tulad mo
na kahit kailan
ay hindi nmn ako
magagawang isipin
man lang kahit isang saglit,
bakit parati na lang dapat
masaktan ang puso kong
nagtatapat nmn sayo
bakit ang hirap,
bakit ang sakit,
bakit ang sakit sa dibdib
na halos hindi na makahinga
sa sobrang sakit?
umaasang, sana
sana mapansin mo rin ako
kahit panandalian lang
kahit isang araw lang
kahit konting minuto lang
un lang,
un lang nmn ang sana ko,
na sanay ibigay mo
na sanay matanggap ko sa araw ng kaarawan ko,
pero ung sana na yun
ay kailan kaya matatanggap,
nahihirapan nako,
nawawalan na ng pagasa,
pag-asang sanay makita mo rin ako
pag-asang sanay ako na lang ang mahalin mo
pag-asang sana dumating ang araw na makamit ko ang mga sana ng buhay ko
natatawa ako
dahil sabi ko
kalilimutan na kita
dahil ayoko na
ayoko ng masaktan ng dahil mo
ayoko ng umasa
pero nung nakita ko ang mga ngiti mo na singtamis ng paborito kong tyokolate
nabihag mo na nmn ako
nabihag mo na nmn ang puso ko na
nagsasabing ayoko ko na
itigil ko na
dahil maskit na
masakit ang masaktan ng paulit-ulit kahit alam kong wala nmng dahilan para masaktan
nakakainis,
nakakaiyak,
nakakagigil,
dahil sa bawat titingin ako sa paligid ko
ikaw ang nasusulyapan ng mga mata ko
ikaw ang parating siyang nakikita
kahit hindi namn ikaw ang dapat makita
hindi malaman ang dahilan
kundi ang mga salitang
sana ako na lang
sana ako na lang ang makita mo
sana ako na lang ang ipanalangin mo
sana ako na lang mahalin mo
sana...
sana maging tayo
pero alam kong hanggang sana na lang tlaga
hanggang sana na lang ng buhay ko......